Tuesday, August 30, 2016

Buwan ng Wika


   Itong kasuotan ay tinatawag na malong. Ang malong ay isang tradisyonal na "tube skirt" na sinusuot mula sa mga tao ng mindanao noong unang panahon. Merong iba't ibang paraan para ito ay suotin. Para ito sa mga babae at lalaki. Pwede maging damit o kaya sayal. Ang mga disenyo at kulay nito ay may kahulugan. Tinutukoy ito kung saang lugar ito ginawa. Halimbawa ang malong rawatan, ito ay mula sa lugar na Lanao del Sur, Mindanao. Ang malong landap na ginawa sa Maranao at meron pang iba pa. May dalawang klase ito, ang handwoven at machine-made na mga malong. Ang handwoven ay ginawa sa pamamagitan sa mga kamay ng tao. Ang machine-made naman ay ginawa sa pamamagitan ng makina.

 
       Pinili ko ito na suotin para sa selebrasyon ng buwan ng wika sa paaralan namin kasi gusto ko ipakita ang kasuotan ng mga tao sa mindanao. Gusto ko ipaalala sa kanila kung ano ang pamamaraan na kasuotan ng mga tao doon. Para rin ma bigyang halaga ang pamumuhay sa lugar at malaman nila ang ibig sabihin sa pag-suot nito.


Ito rin ang iba pang kasuotan sa bansang Pilipinas.

No comments:

Post a Comment